TAPOS NA
Ang sakit ng katawan ko grabe. Mistake ko hindi ako uminom ng water before my exam sa violin at paglabas ko literal everything was a blur. Hindi pa ko makarinig parang everyone was mumbling at hilong- hilo talaga ako. Sabi ni mam mich baka daw may tendonitis ako. Masakit kasi ang left shoulder ko lalo na pag gabi umaabot pa hanghgang sa braso ko. Nga pala gusto ko pasalamatan si Brian Sapigao, ang aking magiting na pianista, napakabait at humble na bata at npakadami ding energy considering na ang kanyang ate rica ay hindi nakukuntento lang sa ilang pasada ng pyesa. Mabuhay ka Brian! :) Salamat din kay Ralph na nagtutor sa kin before the exam at nagpahiram ng strings niyang maganda para hindi tunog- ngongo si Pepe. Kina crissie, albert at david ang mga nakakasama ko maiwan sa music hanggang gabi, sa pakikinig sa mga reklamo ko at sa pagsisilbing kasama kahit pinapatayan na tayo ng ilaw at nilalamok. Kay kuya erwin sa pag- eextend ng gamit ko sa kwarto. Kay ma'am chona sa pagbigay sa akin ng chance na tugtugin ang isa sa mga favorite ko at sori din kasi po pinaglaban ko ang mendelsohn, ayoko po kasi tlga kay Lalo. Thank you po sa paniniwalang kaya natin. Kay mam mich at sir ed sa pakikinig at pagtitiis sa aking tugtog. Kay mara, sa mga regalong espresso at tea kapag pagod na pagod nako. Pag sobrang drained ako kay mara ako pumupunta. Sa lola, lolo at kuya Carlo ko sa pagtitiis sa pakikinig sa kin kahit gabi na at sleeping tym na nila e kunyari nalang walang maingay sa bahay. Kay marz at maricor sa pang- iirita, pang- aasar at sa mga tawa na rin. kay ruth at jondee sa pagpapahiram ng piyesa, salamat jon sa inspirasyon dahil sayo ko naririnig ang napakagandang version ng concerto natin. Kay enrico sa pag- eencourage sa kin at sa pagsasabing mganda ang tugtog ko kahit may sabit paminsan, sa paghintay at pagsama sa kin parati at sa inspirasyon para matugtog ko ang mendelsohn ng may puso. At sa magulang ko, kay mama at papa na dahilan ng lahat ng magagandang ginagawa ko.


1 Comments:
haha para kang nanalo ng oscars :)
Post a Comment
<< Home