Namimiss ko ang camp
Namimiss ko na ang camp. Bago ako umalis akala ko maho-homesick ako pero baliktad yung nangyari. Namimiss ko na ang Brunei ngayon. Namimiss ko yung mga naging kaibigan ko dun at shempre yung mga kasama kong Filipino delegates, sina vlad, leeroy, trina, jm at ang adult leader naming si ms. corrinah. namimimiss ko yung buffet table, ang hi-tea at a/n tea. ang dessert table, ang swimming pool, yung elevator, yung gym, yung mga nagsisilbi sa amin tuwing buffet na mga kababayang Pilipino. Namimiss ko yung kwarto ko. yung hot shower. yung music group. yung kulitan nami tuwing umaga sa brakfast. yung mga bastos na jokes. yung bintana ng kwarto ko. ung sofa sa 7th floor. yung botomless tea at coffee tuwing hi-tea. yung pagkukuwentuhan namin hanggang madalin araw. yung mga mababait na mga taga-Brunei. yung mga malinis na kalsada. yung magagarang kotse. yung masasarap at maaanghang na pagkain. ang kampong ayer. ang mga mall na puro fake na dvd, ang pakikipag-usap kahit hindi masyadong nagkakaintindihan pero masaya pa rin. at madami pang iba.


2 Comments:
Waaaaaaah!!! Nakakarelate ako! The thing about Brunei when people ask me about it, di ko maexplain only because I've lived there all my life. Kaya next time may magtanong, sabihin ko pumunta sayo para magkwento! Hahahaha!
Hugs Mama Rica! =)
Ako hindi ako maka-relate sa Brunei experience. Ang masasabi ko lang, IKAW ay namimiss ko! Lumabas naman tayo, PLEASE! :c
Post a Comment
<< Home