Aray
Nitong mga nakaraang araw parati akong nadadapa. Iba- ibang klase. Last week nahulog ako sa lawn ng kapitbahay nila Chloe ( batang tinuturuan ko). Kanina lang nadapa, o muntikan na akong madapa sa may Quezon Ave. sa harap ng 711 dahil mejo hinuhukay hukay ang kalsada. Haaay, those uneven ground surfaces. Alam mo yung feeling na madadapa ka na tapos sa utak mo pinipilit mong isipin kung paano hindi matutuloy yung pagkadapa mo? Sa totoo lang split-second lang kung mangyari yung pagkadapa pero sa utak ko ambagal bagal, slow motion talaga. Andami kong naiisip. Iniiwas ko pa maglanding sa mga kamay o ulo ko dahil yun yung mga pinakamahahalagang parte ng katawan ko. Tapos naiisip ko kung paano ako aahon, yung hindi masyado dyahe. ayoko talga madapa mag-isa. eeeeew kakahiya. Pero at least hindi ako nadadapa sa kanal o sa burak.


0 Comments:
Post a Comment
<< Home