Tuesday, August 29, 2006

Cautious

Pahingi naman ako ng onting salapi!- Salapi, Itchyworms

Pagkatapos ng Rockestra, wala pa rin akong salapi.

haaaaay. oo masaya ang rockestra fun dami tao nag-enjoy sila . tapos may nagsabi sa inquirer na we(mso) were "cautious" daw, si sir toti daw was exerting restraint like that like that. cautious na pala ang tawag kapag nd kayo gaanong marinig dahil hindi gaanong efficient ang mixing ng mga instrument at ang kalaban naming mga acouatic instruments ay mga amplified na instrumento. Restraint din pala ang tawag dun sa pawis na pawis na kami dahil 6 ung banda at 1 lang ang orchestra. Sana itong writer na ito ay nag-isip muna ng dalawang beses bago niya sinulat yun. in other words, eng-eng sha. Shet halos makalbo na ang mga bow namin pero kahit gaano kami kalakas tumugtog, hindi sa amin nakasalalay kung maririnig kami o hindi. Siguro kung naka lapel kami lahat maririnig yun. O pag closed yung venue maririnig kami. Sana isipin niya yun. pero masaya ako na maraming natuwa sa rockestra. At parang mas maganda un energy ng crowd this year. Magaling din yung mga banda. Love ko urbandub at itchyworms. Last year sa likod kami ni maricor napaupo halos mahulog na kami sa stage. Ngayon naman harap nga ako tinatakpan naman ako ng window-like apparatus nung drum set. Pero mas kita daw ako ngayon. Aba, pag pawis na pawis ka na sa pagod at masakit na braso mo dahil puro fortissimo ang tinutugtog niyo e dapat man lang makita ka sa stage noh!!!!! Pero masaya talaga ang rockestra! Medyo mabigat lang ang pakiramdam dahil sa ilang mga bagay(secret), pero masaya naman talaga. Ang mahalaga masaya ang mga tao at nakarinig sila ng magandang music.

2 Comments:

Blogger rina said...

I love the Itchyworms! They were a batch ahead of me sa Ateneo and we shared a room with them nung nasa Ateneo Musician's Pool sila. Hehehe. Sayang, I wanted to buy their CDs and take them here with me.

Miss ko na kayo ni Teresa. Hope you guys are doing okay. Congrats sa Rockestra! Dedmahin ang mga writers na ganyan. Di sila importante. Hehe. :)

2:50 PM  
Blogger ria said...

Haay nako some musician friends of mine were able to watch. Sinayang daw ng sound system yung orchestra. Sayang di din marinig ang mga areglo. Pero sana nakapunta parin ako.

Sino ba yung writer na 'yun? Nanood ba siya at all? O ganun siya ka-dense? Hehehe

Anyway, nakikihirit lang, ciao!

1:36 AM  

Post a Comment

<< Home