Mukhang hindi na ata babalik sina kuya erwin, ate sinday, kuya arnel, kuya gilbert at kuya brian. Nakakalungkot talaga naiiyak nga ako nung isang araw. Nung nakita ko ulit si kuya erwin parang naluluha na ako, sabi ko nga miss ko na sha. Close si kuya erwin sa amin ni enrico, parati namin sha nakakakwentuhan. Tuwing umaga si kuya erwin ang una kong nakikita sa college, binabati niya ako minsan naglolokahan kami kaya tuwing umaga masaya ang mood ko. Bago ako umuwi magpapaalam sila sa akin at kahit gaano kapangit ang araw ko, gumaganda. si kuya arnel naman kabiruan ko minsan inaasar niya ako o kaya naman minsan pinapangiti sa mga jokes niya. Si kuya gilbert naman madalas kong nakakakwentuhan at madalas niya sinasabi na mahirap ang buhay sa Pilipinas. Si ate sinday shempre ang mayor namin sa l.r. Minsan sha rin ang katuwang namin kapag may event sa kolehiyo, sha ang tumutulong sa pagbubuhat ng kung anuano. Sila ang nag- aalaga sa kolehiyo and they were doing a perfect job. At mga kaibigan ko na rin sila, 6 na taon ko sila kasama halos araw- araw. Hindi na masaya sa kolehiyo ng musika pag wala sila. Ang drama ko pero naiiyak talaga ako :(
Tuesday, September 27, 2005
Saturday, September 17, 2005
Wow
the sem will end in two weeks at napaisip- isip lang ako. maganda ang sem na ito. Madami akong napagdesisyunan at natutunan. Mejo nagkakakorte na ang mga plano ko. Pagkatapos ko ng music research magmamasters ako sa anthropology. dati ko pa pinag- iisipan, tas kanina lang mejo desidido na ako. Mabuhay ang pag- aaral!(yuck pero totoo)

