Thursday, March 09, 2006

Birthday parteeeee!!!!!!!

noong sabado nagbirthday partee ako kina marz. actually ayoko naman talaga ng nagpapaparty. gusto ko ng party pero yung tipong dadating lang ako, kakain, makikipagdaldalan, iinom, magpipikchur at pagtatawanan ang mga kaibigan kong lasing. pero mahirap pala pag ikaw yung host. nagshopping kami noong umaga nila marz at enrico. salamat nga pala kay enrico sha ang gumastos para sa party ko :) sabi ko nga kanina hindi naman talaga ako mahilig magpaparty, si enrico lang ang pumilit. so ayun. namili kami, nagluto. mahirap pala magluto para sa marami. salamat nga pala kay marz, sha talga yung nahirapan ng sobra sa pagluluto. tapos dumating na yung mga tao. mga taga- music shempre. tapos si tanya kasama ni karl at si val kasama ni jonaks. masaya naman ako. nalasing pa si marz at nag-wizard costume. ok naman yung pagkain madami naman para saming lahat. tapos inom inom ganun, ok naman. mejo awkward lang kasi nd talaga ako sanay na nagpapaparty. weird lang talaga pero masaya talaga.

Aray

Nitong mga nakaraang araw parati akong nadadapa. Iba- ibang klase. Last week nahulog ako sa lawn ng kapitbahay nila Chloe ( batang tinuturuan ko). Kanina lang nadapa, o muntikan na akong madapa sa may Quezon Ave. sa harap ng 711 dahil mejo hinuhukay hukay ang kalsada. Haaay, those uneven ground surfaces. Alam mo yung feeling na madadapa ka na tapos sa utak mo pinipilit mong isipin kung paano hindi matutuloy yung pagkadapa mo? Sa totoo lang split-second lang kung mangyari yung pagkadapa pero sa utak ko ambagal bagal, slow motion talaga. Andami kong naiisip. Iniiwas ko pa maglanding sa mga kamay o ulo ko dahil yun yung mga pinakamahahalagang parte ng katawan ko. Tapos naiisip ko kung paano ako aahon, yung hindi masyado dyahe. ayoko talga madapa mag-isa. eeeeew kakahiya. Pero at least hindi ako nadadapa sa kanal o sa burak.