Thursday, May 26, 2005
Monday, May 23, 2005
Saturday, May 21, 2005
Counterattack
Sabi ko nga e, ganun talaga siguro ang aura ko. Takaw- away. I was merely explaining myself and my attitude tapos biglang belligerent na naman ang labas ko. Mas iisipin ko na lang na hindi saktan yung mga mahal ko mas tama naman ata yun. Pag may nasaktan ako na wala namang bearing sa buhay ko, na alam ko naman na hindi ko inintend, e sorry na lang. Ganyan talaga ang buhay. Mas mabuti na para sa kin, although hindi naman talaga mabuti yun, na may ma-hurt ako na iba, kaysa ma-hurt ko yung mga taong importante sa kin. Hindi ko ata kaya yun, yung continuously ko silang sasaktan at icicriticize at ipaparamdam na wala na silang ginawang maganda. Hindi ko gagawin kasi na- feel ko na yun e. Na ma- judge at mapamukha sa kin na napakasama kong tao. At mahirap yun. Mahirap matulog, mahirap gumising na alam mo na everything you do will be judged at lahat ng intention mo ay masama. At ang totality ng pagkatao ko masama. The world is very deceiving. Hindi lahat ng maamo, mabait in the same way na hindi lahat ng matapang at palaban e masama. Hindi porket hindi nagsasalita e mabait at hindi porket madaldal, masama. I had a very talkative mom. She had a loud voice na minsan pag hindi mo sha kilala aakalain mo galit sha. But she was a very loving and honest person. Palaban din. Sa kanya ko siguro namana ang ugali ko. Or baka hindi namana. I was a very quiet kid. isip lang ng isip. Kaya nga ako naging neurotic (sabi nga ng lola ko, sha naman nag- diagnose sa kin nun). Siguro natuto lang ako maging palaban nung nawala sila ni papa. I had to develop that kind of attitude because no one, not a single person, can and will fight for me and for my rights and interests. Kaya ako naging ganito. Parati palaban, kahit pag taong mahal ko yung sinaktan or inargabyado, mandudurog ako ng kaluluwa.
My mom well- loved and she had a lot of friends who accepted her the way she was. Minsan nga yung mga malalapit pa sa kanya yung hindi nakakaintindi sa ugali. Napakalaki at napaka-noble na task ang pagmamahal, sa pamilya, boyfriend, girlfriend, kaibigan etc. Dahil kasama nang love na yun e pag- accept ng tao, sa kabuuan niya. Wala kang ieexclude. Mula ulo hanggang paa, mula balat hanggang lamang- loob e kailangan mo tanggapin. All I want is to say something na hindi ako mahuhusgahan. I want to be a
My mom well- loved and she had a lot of friends who accepted her the way she was. Minsan nga yung mga malalapit pa sa kanya yung hindi nakakaintindi sa ugali. Napakalaki at napaka-noble na task ang pagmamahal, sa pamilya, boyfriend, girlfriend, kaibigan etc. Dahil kasama nang love na yun e pag- accept ng tao, sa kabuuan niya. Wala kang ieexclude. Mula ulo hanggang paa, mula balat hanggang lamang- loob e kailangan mo tanggapin. All I want is to say something na hindi ako mahuhusgahan. I want to be a
Thursday, May 19, 2005
Caseless case
May malaking line na nagseseparate sa ang pagiging assertive and matapang sa pagiging takaw away. I may have crossed that line several times pero never ko inintend na manakit lang ng tao or mang-away lang or magparinig ng wala namang sense. I always do that for a reason. I do not do that to glorify myself or to make myself look and feel good. My gas, hindi ko na kailangan nun para ma-validate ang sarili ko. Minsan kasi kailangan mo masabi. May difference naman kasi kapag gusto mo lang manlait sa gusto mong mang- criticize. I was a debater in high school and we were trained every single glorious day to criticize, everything. Lahat naman ng bagay may flaws at ginawa naman ng Diyos ang mundo na may tendency towards being flawed. And that is not BAD. And criticizing flaws is much less evil. And in that process of criticizing and pointing out flaws, kailangan may wisdom ka to know kung anu yung papalagpasin na o kailangan talaga i- point out.
Liver
I love eating liver. I love the smell of cooked liver, and the wonderful things it does to other dishes that are, otherwise, bland. napakadistinct ng flavor niya. I even love liver pate for that matter. I love liver in adobo, menudo or any other meat ulam. Feeling ko, nababalance niya ang umay ng meat, lalo na ng pork. Isa pang liver dish na gusto ko e yung Rumaki ng Chocolate Kiss. Chicken liver ata sha and chestnuts wrapped in bacon. Yummmmmmmmmmmmmmmmmmmey!!!!!!!! I'm not sure kung Thai dish ito, ksi diba mahilig ang mga Thai sa chestnuts. Thai. Sukhothai. I love Sukhothai. Try niyo ang chicken pandan nila and Tom Yang. At anf favorite ko na Crispy Catfish and mangoes. Grabe. I can eat that for five straight days at tinitiis ko ang pasumpong-sumpong na hyperacidity. Ganun sha kasarap.
Tuesday, May 17, 2005
Aaaaaaaaaah!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Pupunta ako Baguio, Sagada, Besao!!!!! Magpapagulong gulong ako sa bundok at kakain ng maasim na dwarf apple mula sa puno namin. At mamimitas ako ng mulberries. At hindi ako magsasalita. At iinom ako ng tapey at kape. Sarap.
My First Summer 2005 experience
Nagswimming kami ng mga pinsan ko sa condo ng tita namin. Gabi nun, malamig. The water was cold, ghastly. And there were remnants from, probably, days ago. Pero sige na nga fun na nga. I was with Kelsey, Sarah and Isha, my three beloved makulit little cousins. Si Kelsey ay ang pinsan kong isda. Literal, ang galing niya lumangoy, siyempre taga Palawan sha e. Si Sarah naman ang pinsan ko na parang maliit na rica. Si Isha, makuliiiiiiiit. Sarap ng tubig :)
Marz
I'm a very bad mother. Nasigawan ko si marz last saturday nung concert namin with the french conductor. Alam mo ko for so many times si marz nalang parati ang nagiging stress ball ko and I had been very unfair to him although unfair din naman siya sa kin minsan. Pero basta. I should be the ate. Dapat mas naging patient pa ako. Cge pramis ko magiging patient nako kay marz. Being patient with him is a very galvanizing experience at pag nagawa ko yun I can do anything unimaginable.
Thursday, May 12, 2005
Chronic Depression
I know I don't have a right to diagnose myself pero feeling ko ito ang reason kung bakit ako mabilis mainis lately at parati akong " in a fiery mood". Oh well. Hindi ko alam ang gagawin, it's not anyone's fault. It's solely up to me to fix past issues. Nadadamay na kse si enrico at nakakalungkot kasi I always end up hurting him, kahit hindi ko inintend o pinagplanuhan. Mahirap pala talaga ayusin kapag madami nangyari sayo sa past. I buried a lot of things with the hopes na hindi na ako maapektuhan masyado pero nag- ala- payatas sila and they crashed down on me, full force. Sana lang wag na madamay si enrico. He is very good to me at alam ko mahirap din para sa kanya. I had a very happy childhood and it was followed by a very tumultuous period in my life. Baka yun ang dahilan. O bka hindi. Magpatingin kaya ako sa psychologist. I miss my parents terribly. Kakayanin ko to.
Tuesday, May 10, 2005
enrico

sorry talaga sa mata mo kahit hindi ko sinasadya alam ko ang stupid pa rin ng nagawa ko. sana gumaling na yan at wag na mainfect.
Saturday, May 07, 2005
Hot- air contraption
Tama ka mia, pag yumaman tayo magpapalipad tayo ng ganun pag may special occasion at dpat human form ang paliliparin natin, patterned sayo sakin kay val or kay rae. Pero sabi mo nga wala sa grupo natin na scientist. Oh well.
Ugma- Ugma
Nanood kmi ni mia ng ugma-ugma noong friday. Masaya, natuwa din at nag-enjoy sa concert. Kasama din namin si albert. Masaya dahil maganda yung concert at nakakaoverwhelm (maganda yung sound system). At nakapagkwentuhan kami ni mia. Huli ko sha nakita nung grad ko pero hindi kami nakapag- usap kasi may sakit sha nun. Napanood kami din ang komposisyon ni Nick. Antagal- tagal ko na shang kaibigan pero hindi pa ako nakakanood ng concert na tinugtog ang piyesa niya. Tapos magaganda yung mga piyesa. Naisip lo lang, sabi ng anak ni Doc Maceda, sabi ni Doc Santos parang nag- black- out daw sa music world nung namatay sha. Pero after nung concert, nagpalipad ang ilang tao ng hot- air contraption or whatever you may call it at ang ganda, habang lumilipad naisip ko si Doc Maceda. Kahit malayo na yung contraption nakikita pa rin ung glow niya. Ganun din yung ginawa ni Doc Maceda. Shempre nung buhay sha malaki yung ilaw na nakikita natin from him. Nung namatay, shempre ang immediate feeling e parang wala na pero sa totoo mas nabuhay sha sa lahat ng tao especially those whose lives he touched.
tere!
Tere!!!!! I lab you!!!! Mis na kita rrrrrrrr!!!!! Congrats at sa wakas ay inupdate mo na nag blag mo hhehe at kahit ayaw mo ililink na tlga kita :) aT ang ganda ng blag mo ang kewl talaga pramis. Sa wakas machichika na din kita at makakasilip ako sa buhay mo pag mamimissssss kita :) at missssss ko na din si kristine! mabuhay ka at ang iyong blag
Monday, May 02, 2005
Naisip ko lang
Naisip ko lang berns at medyo hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip dun sa squire na 9,000 lang. Ang sakit sa puso e ang mura talaga nun. Kaso tama ka may mas dapat paglaanan ang mga kaperahan natin ngayon kaya kahit masakit, cge padasal na lang natin na mag-sale ulit yun. Naisip ko lang na madami ako na-realize sa pag- uusap natin. Nga pala tuloy ang jamming! Sisikat tayo ulit at wala na makakapigil sa atin wahahaha.

