Niligtas Ako Ni Sibelius
Ilang araw nako nag-iisip at naguguluhan sa mga pinagagagawa ko. Ayoko na kumain pag mainit. Aside from wala naman akong pang-lunch, hindi na rin ako sanay kumain kapag tanghali, lalo na pag punong puno nang tao sa casaa at mag-isa lang ako sa table(yes marunong din akong ma-guilty). Kaya nagkakape nalang ako at monay na may cheese. Ayoko na rin sa klase na marami akong kaklase. Mas nadidistract ako. Lalo na kapag ang mga kaklase mo sa sts e nag-gigitara habang may klase(sana malagas lahat ng buhok niya), yung mga kaklase mong nagreport ay ultra boplox to the highest level. Paminsan ayoko na rin mag-music. Parang everything I do exhausts me. Minsan gusto ko nalang magsulat at wag na mag-music. E ano kung music is culture achuchuchu, who cares? Ano ba talaga itong ginagawa ko? Gusto ko maintindihan. Buti nalang tinugtog namin ang Sibelius Symphony. Narealize ko ulit na may mga bagay na hindi maipapaliwanag ng salita. May ganda at kagalingan na nararamdaman lang. Pwede naman magmusic at magsulat ng sabay hindi ba?

